Letra de Tuwing Umuulan
Pagmasdan ang ulan, unti-unting pumapatak Sa mga halama't mga bulaklak Pagmasdan ang dilim, unti-unting bumabalot Sa buong paligid tuwing umuulanKasabay ng ulan, bumubuhos ang iyong ganda Kasabay rin ng hanging kumakanta Maaari bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa? Hanggang ang hangi't ula'y tumila naBuhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo, 'di mapipigil ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling kaPagmasdan ang ulan, unti-unting tumitila Ikaw ri'y magpapaalam na Maaari bang minsan pa mahagkan ka't maiduyan pa? Sa tubig at ulan lamang ang saksiMinsan pa ulan, bumuhos ka, huwag nang tumigil pa Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling kaMaaari bang minsan pa mahagkan ka't maiduyan pa? Sa tubig at ulan lamang ang saksiBuhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo, 'di mapipigil ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling kaMinsan pa ulan, bumuhos ka, huwag nang tumigil pa Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka